<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=5624603295822070860&amp;blogName=trixia+felix&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLACK&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Ftriksiya.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Ftriksiya.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
Monday, July 6, 2009
  mood swing?

Grabe! Hectic ang sched!Whoo. Kaya naman nung mga nakaraang araw, lagi akong highblood! Haha. Parang lagi ba akong naiinis! Dala siguro ng pagod, puyat, at adjustments! kaya pagpasensyahan ninyo na lang ako. marami lang talagang bumabagabag sakin ngayon, studies, friends, at yung isang taong akala ko eh totoo, yun pala magaling lang magsinungaling! Hainaku. Pagpasensyahan nalang king nag-iinarte ako huh?

Labels:

12:16 AM |

Sunday, July 5, 2009
  kaibigan nga ba?

Heavy! wala na akong maasahan dito kundi ang sarili ko na lang. Tandaan! Be strong. Wala na ang family. Friends? Meron pa man din kahit papano.

Ang PHILOSOPHY10 CLASS!

alam nyo kasi sobrang laki talaga ng UP. Sa laki nito, kailangan mo pang sumakay ng jeep para makarating sa next class mo. Minsan, sanayan din, lakad na lang. Ganun ang mga tao dito. Walang tigil sa kalalakad. Kaya naman kung malaki at matigas....


ang hita mo! HAHA.


UP Diliman ka nag-aaral. Ganun yun. ahaha.

Sa kaso ko, lakad din lang ako ng lakad kaya malaki na ang hita ko ngayon. whoo. Dati pa siguro. haha.

Lagi akong late sa Philo class ko. Kasi naman galing ako sa NIGS tapos AS (malapit din lang yang buildings na yan kahit papano, kung sanay ka na. Pero malayo siguro sa tingin ng iba. Haha). Nagjijeep na nga lang ako para di malate. Magkasunod kasi. Dikit ang oras. Hai. Di ko napansin nung nag-enlist ako ng klase. Kaya ayun tuloy. May grace period naman ditong 15minutes kaya lang kahit pa ganun, i consider myself late kapag nagumpisa na ang prof magsalita sa klase! Adik ako no?

Yung classmate ko nung summer, kaklase ko pa rin ngayon sa klase kong to. Kaya naman tuwang-tuwa talaga ako. At least, may kakilala ako. Tapos pinakilala nya din sakin yung kaibigan niya. Same dorm din pala. Di ayun, friends na kaming tatlo.

The following day, may bago silang friend! upper class at dating nagsstay dun sa dorm namin ngayon. Di nila ako pinakilala dun. I don't bother. Haha.

-------------------------------------------------------------------------------------
MY STORY STARTS HERE!

Lagi na akong late sa klase sa philo! Tapos di ko na nakakatabi yung mga friends ko. So kung saan na lang yung vacant seat na maabutan ko, dun na lang ako umuupo! Iba't ibang seatmates, but not friends. Di na ako palasalita. Lalo na sa klase kong to kasi ng lagi akong late. No more time to talk to my seatmate, introduce myself, and a bit of chit-chats. Pero kung gagawin ko man to, wala din namang kwenta kasi sa bawat philo class eh, iba ang katabi ko.

Last Friday, nagchange venue kami. Theater pala.Ayun late na late ako. Good thing is may nakasabay ako. Classmates pala kami. See? Di ko nga alam kung sinu-sino kaklase ko eh!

Sabay na kaming pumunta ng theater. I have a new friend. I was really happy. Sabi ko, at least may kadamay ako pagpasok ko sa theater, late! haha. tapos may katabi pa ako!

Tama yung una, may kadamay nga ako. May kaibigan na pala siya sa klase. Naupo siya sa katabi nung kaibigan niya, which means na....


MAG-ISA AKO!



So naupo ako dun sa corner. Kaya pala theater kasi may papanoorin kami. Nasa unahan ko pala yung "friends" ko, di ko napansin!

Nanuod na nga ako. I enjoyed it. Kaya lang medyo naantok ako kasi ang haba tapos ang lamig pa sa loob!

Dismissal na!

BUT WAIT!

May binibigay na activity paper si sir!

Ito yung activity: kailangang gumawa ng artwork dun sa pinapanood or any topics na related sa lessons na nadiscuss samin. INDIAN PHILOSOPHY! Nose bleed diba. Pwedeng gawin in pairs or individually na lang! Kung ayaw mo nyan, musical composition tapos 3members sa group!

-------------------------------------------------------------------------------------


PANO NA AKO?



Hindi ako magaling magdraw! Ang inaasahan ko na lang ay yung mga "friends" na nasa unahan ko! Lumapit ako sa kanila tapos tinanong ko kung ano gagawin nila. Sabi nila sandali lang daw, may itatanong sila sa prof! O di ok sabi ko. Narinig ko sila na nagpalano. Mukhang music ata gagawin nila! Tatlo yun ah! Yung dalawa kong friends plus who? Oh! Yung upper class.

Eh di lumabas muna ako sa theater. Aalis na sana ako sa sobrang galit ko sa kanila.

At bakit ako galit?

Una. Friends daw. Kilala ko na yung isa dun, summer palang kaya close na kami, sa pagkakaalam ko!
Pangalawa. Alam nilang wala akong kapartner!

So ano naman? Hello! Iniwanan ako sa ere. Nag-iisa at mukhang tanga! Tama ba naman yun? Hainaku.

Ganyan ba ang ibig sabihin ng kaibigan dito? Grabe ang sama ng ugali. Akala ko pa naman, katulong ko sila. Haai.

Tapos naisip kong 3 sila plus ako= Apat. Baka man lang maisip nilang wala akong kapartner tapos instead of music, artwork na lang ang gagawin tapos may 2pairs na? Di masaya ang lahat di ba?

So bumalik ako tapos sabi ko sa kanila, hihintayin ko sila. Paawa effect ako.

Pagdating nila, sabi ko, "Ui. Ano bang gagawin? Wala pa akong partner. Hindi pa naman ako masyadong magaling magdraw. pano kaya yan? Ano ba gagawin huh?"

Sabi nila,"Ay. Ganun? Music kasi gagawin namin! Anoing gagawin mo?"

WAlang hiyang tanong yan. Parang makakainsulto at nakakapikon di ba? Parang gusto ko nang sigawan at sabihan ng ganito, " Hello! Di mo ba nafifeel na nagpaparinig ako! Kainis ka huh? Ano sa tingin mo gagawin ko. Ang tanga naman!"

Inis talaga ako. Pero sinabayan ko parin sila pauwi sa dorm. Kasama yung upperclass. Ayun, usap sila. EH makitid ang pathwalk so sa likod ako! AT wala silang pakialam. Yung friend ko nung summer, wala man lang ginawa! Wala siyang pakialam sakin. Alam naman nun na madaldal ako pero nung araw na yun, hindi talaga ako nagsasalita as in! Di niya man lang napansin. So stupid!

Sorry huh? INis lang talaga ako. akla ko kasi kaibigan ko sila. Tapos ganun lang gagawin nila sakin? Eh nung isang araw, kinopya niya palang yung homework ko sa Math kasi nahihirapan daw siya mag-isip. EH dahil isa akong magiting na friend, pinakopya ko kahit na pinaghirapan ko naman talaga yun sagutan! Walang kaso yun sakin!

Pero nung naisip ko yung ginawa niya sakin, nainis talaga ako. Lumalapit lang yun at parang mabait daw sakin at kinakausap ako kung may kailangan siya sakin!

Kaya ngayon, maghahanap ako ng totoong kaibigan sa klase namin na pwede kong masandalan kung kailangan at magtutulungan kami! yun ang pagkakaibigan!


Bigla kong namiss ang mga kaibigan ko nung highschool. Simpleng mga tao, pero makikita mo sa kanila ang sincerity at pagtulong. Hindi sila gaya nung mga taong kinwento ko. hai. Miss ko na sila. Sobra! Naaprexate ko lalo kung ano yung klase ng mga kaibigan na ibinigay Niya sakin. Haai

Labels: ,

11:30 PM |

  Ang isang magandang araw na nasira na lang

Rise and shine:

Ok na ok ang gising ko kaninang umaga. Sabi ko dapat iattract ang positive energy. 1st long exam namin. Nag-aral talaga ako. As in. Super concentrate ako sa Math17.

Dumaan muna ako sa church. Nagpray at humingi ng guidance. Masaya talaga ako sobraa. Tapos ayun pumunta na sa Math building. kinakabahan talaga ako. Sino ba naman ang hindi kakabahan? Magfifirst long exam. Math pa. Tapos UP na ako nagsschool. Papressure huh?

Sabi ko kaya ko yan. Di naman talaga complicated ang Math pero kung yan ang gusto nyong isipin, bahala kayo. Sa tingin ko kasi, kung palagi mo na lang iisiping complicated at super hirap ng Math, walang mangyayari sa'yo.

TRUE or FALSE? ok lang. Nakuha ko din. Kaya lang may isang item atang obvious na pumalpak ako. Hindi ko napansin yung word na 'and,' which is very important.

Multiple Choice. Pwede2!

Expand. Tama naman siguro ginawa ko.

Factoring. Ok lang. Madali yung binigay ni sir. Yehey.

Simplify. Doink2. Dito ako medyo pumalpak! Una, naging careless ata ako sa signs tapos sunod, mali yung pagkakamultiply ko.

Owell. Ginawa ko na yung best ko. So help me God nalang. Think positive. AJABOOM!


AFTERNOON: Sunny to rainy

My mood suddenly changed. Naiinis talaga ako. Pagopen ko kasi ng friendster, ay basta nakakainis sobra. Nagpapaniwala ba naman ako sa kalokohan ng taong yun. Tae! Hainaku. Sabi na nga ba! Pare-pareho lang sila. Napakatanga ko. Alma ko namang pare-pareho nga sila, eh pinaniwalaan ko pa. Lintik sa katangahan. Inis talaga ako sa kanya. bahala siya.

Labels: ,

11:17 PM |

Tuesday, June 23, 2009
  Lagi bang may kapalit?

“Kailangan bang lagi kang magbigay, magsakripisyo, o kaya nama'y magbitaw ng isang mahalagang bagay, para lang makuha mo pa ang isang bagay na gusto mo?”
Pamilyar ba kayo sa third law of motion ni Isaac Newton na, "For every action, there's always an opposite and equal reaction?" Ito ay nangangahulugang ang lahat ng bagay ay may katumbas, lahat ng gagawin mo ay siguradong may epekto o kaya naman kung ano ang mga nakukuha mo ay siguradong may kapalit.
Sabi ng iba, kailangan mo daw bitawan o mawalan ng isang bagay kung gusto mong makuha o madagdagan pa kung ano ang meron ka na. Dahil dito marami ang natatakot na humarap sa mga pagsubok sa buhay lalo na kung ito ay tungkol na sa pagpili sa pagitan ng dalawang bagay na mahalaga sa'yo.
Talagang wala namang dapat na ikabahala o ikatakot. Ang buhay na ito ay ginawa para tayo ay mamili. “Life is full of choices.” Sa katunayan, ang bawat segundo ng ating paghinga ay nangangahulugang pinili ng Diyos na tayo ay mabuhay. Walang araw na hindi tayo namili. Ang simpleng paggising ng maaga para pumasok sa paaaralan at maging ang pagpasok sa unibersidad na ito kahit na mawalay tayo sa ating mga pamilya ay pinili natin.
Hindi naman kailangang magbuwis tayo ng mga importanteng bagay o itaya natin ang mga taong mahal natin para lang makuha ang mga bagay na gusto natin. Ang kailangan lang naman ay maging determinado tayo sa pag-abot ng ating mga plano. Maglaan tayo ng oras para sa bawat bagay, maging matiyaga, masigasig at isipin kung makabubuti ba ito, hindi lang para sa sarili natin, kundi para sa lahat. Dito na naman papasok ang kaisipang, "Madaling sabihin pero mahirap gawin." Komplikado.
Kung tutuusin, wala naman talagang bagay na komplikado. Para lang naman yang isang mahabang mathemathical equation. Kung hanggang tingin lang nga naman talaga ang gagawin mo, siguradong ang masasabi mo lang ay, " Ang hirap naman nyan. Masyadong complex!" at ang sunod na gagawin mo ay ang magreklamo kahit na hindi mo pa naman nga nasusubukang isolve ang equation.
Sabi nga nung naging professor ko sa Math, kapag pangit ang equation at sobrang mahaba, maaari mo pa naman daw itong pagandahin. Ibreak down mo lang ang equation at igrupo ang mga terms na magkakapareho. Factor out. SIMPLIFY!
Ang buhay ay parang Math. Kailangan lang nating matutunan ang mga batas, ang tama at ang mali, intindihin ang mga konsepto, at matutong i-apply ang mga natutunan para ang lahat ay nasa simplified form.
Kung may mga pagkakataong kailangan nating mamili sa pagitan ng dalawang mahalagang bagay, mag-isip ng paraan kung paano tayo maging masaya na walang nawawala sa atin o walang naaagrabyado. Wala namang nabanggit na kailangang isa lang ang piliin mo. Halimbawa na lang, kung pinapipili ka sa pagitan ng matalik mong kaibigan at ang iyong nobyo, hindi mo naman kailangang bitawan ang isa para lang maging maayos ang lahat. Maari namang nandyan sila ng sabay sa buhay mo.
Kung isa lang talaga ang dapat na piliin, gawan mo ng paraan. Sabi nga ni Rico Blanco sa kanyang kanta, "Kung ayaw, may dahilan. Kung gusto palaging merong paraan." Kung wala ka na nang magagawa, tanggapin mo na lang at matuto kang bumitaw. Walang bagay na permanente sa mundo ito. Kung sakaling may bibitawan ka man, sigurado akong may magandang dahilan kung bakit kailangang mawala ang bagay na iyon. Gaano pa man kasama ang maging epekto nito, siguradong may mapupulot ka namang aral na magagamit mo pa.
At ang pinakahuli, huwag tayong maging gahaman. Kung lagi mo lang iisipin ang iyong sarili, wala ding patutunguhan ang mga pinaplano mo. Para lang naman yang isang punong pitsel ng tubig. Kung pipilitin mo pang magdagdag ng isang baso para lang makarami ka, mapupuno lang ang pitsel, aapaw ang tubig, at matatapon. Masasayang lang ang lahat dahil parang wala lang ang naidagdag mo. Ayos lang namang maghangad tayo ng mas mataas at mangarap ng matayog basta't walang sinumang naaapakan.
May mag oras na kailangan nating magsakripisyo ng oras. Kailangan nating mapagod, maging mapagpasensya, at maghintay kung talagang gusto nating makuha ang mga bagay na gusto natin. Pero hindi naman nangangahulugang pati ang mga mahahalagang bagay o tao ay kailangan din nating bitawan o isakripisyo para maging masaya. Dapat lang nating tandaan na hindi sa lahat ng panahon ay maari nating makuha ang mga bagy na gusto natin. At kung sakaling nagkamali man tayo sa ating mga desisyon, dapat na huwag tayong panghinaan ng loob. Sa halip matuto tayong bumangon sa ating pagkakadapa at muling ihanda ang sarili para sa mga panibagong hamon ng buhay.


Wala man. paper ko yan sa philo. pwede na ding ishare sainyo. haha. ^^

Ok ba? XD

4:13 AM |

Tuesday, June 16, 2009
  I don't have any clue and it sucks!

Ewan ko. haai. Di ko alam kung bat nagkaganito. At one second masaya ako sa kanya. Eh sabi naman nun, ganun din daw sya. Eh bat ngayon parang wala lang. umayaw na lang ata sya. Unti-unting nawawala. Hainaku. Nakainis. Sinasayang ko lang oras nyo sa pagbabasa ninyo nitong rubbish kong post! Naiinis lang kasi ako kasi nga bat ganun na yung nangyari. Parang nawalan ng saysay yung mga salitang nabitawan. Eh ngayon nga lang ako nagbitaw ng ganung klase ng mga salita tapos it'll just end up wasted. WASTED! sobrang wasted. So ngayon alm ko na na nabigla lang ako. na di ko talaga ginamit yung kokote ko! kasi kung totoo talagang ganun nga yung nararamdaman ko, there's no way na ganito ako. Malalim na paghanga. Yun lang siguro yun. YUN LANG AT WALA NG IBA PA. Kasi kung it's more than that, I can face all the consequences. I can do everything. I don't care kung ano na tingin nya sakin. It's ok. Laging ok kahit na hindi. Pero hindi ako ganun eh. So hindi pa nga talaga. Kaya ko naman siguro kung may nakita din akong kahit small hope sa kanya kaya lang wala eh. Then, it's ok. I'll just give up kung yun ang HAPPINESS nya. but i'll still keep my promise. We're better off as friends like what you have said and I don't have any plans of breaking my promise if that's what you think. Owell. Goodbye. So long!


'igets nyo na lang! :p'

Labels: ,

12:39 AM |

Wednesday, June 3, 2009
  bermuda triangle



wala man. naisip ko lang. totoo kaya yun? haha. yung tungkol sa bermuda triangle?

sa mga di nakakaalam ng mystery nito, read this:

The Bermuda Triangle, also known as the Devil's Triangle, is a region in the western part of the North Atlantic Ocean in which a number of aircraft and surface vessels are alleged to have disappeared in mysterious circumstances which fall beyond the boundaries of human error, piracy, equipment failure, or natural disasters. Popular culture has attributed some of these disappearances to the paranormal, a suspension of the laws of physics, or activity by extraterrestrial beings.

While a substantial body of documentation exists showing numerous incidents to have been inaccurately reported or embellished by later authors, and numerous official agencies have gone on record as stating that the number and nature of disappearances is similar to any other area of ocean, there are incidents remain unexplained despite considerable investigation.

basta yan yun, kapag nareach mo daw yung area kung asan yung location ng bermuda triangle, nagdidisappear daw. ewan kung san napupunta, maybe in other dimensions. haha.tapos yun. basta na lang nawawala.

di ba creepy? wala man. share lang. naisip ko lang, did you watch the news about the plane na nawawala, recently lang. di daw mahanap kung asan yung plane na may 200+ passengers. asan kaya sila? haha. di naman daw nagcrash or wat. so ano kaya nangyari dun?

umiiral na naman ang aking curiosity. ahha. ^^

sa sunod na lang yung may latuy na post!

hai. tiring day for me. naayos ko na yung kalay apli forms. ahha. kalayaan or kalai- yan yung tutuluyan kong dorm sa loob ng UP. exclusively for freshies lang kaya walang bully sessions. saya di ba?

sige. tired na ako. ^^

Labels:

1:34 AM |

Monday, May 25, 2009
  Continuation nung post ko sa baba.

Wala nman. ayoko lang idugtong dun. ang haba na kasing tingnan. nakakatamad basahin. haha.

PASADO NA NGA AKO SA UP!

oh tapos? Hindi ibig sabihin nun na dahil pasado na ako, go na. Nung sinabi ko yun sa lola ko, kinongratulate nya ako. soobrang proud. Kaya lang pagkaraan ng ilang araw, sudden change in mood na naman sya. eh matanda na yun. (darating din tayo sa puntong yan!haha). Wag na daw akong tumuloy dun. MAGATENEO NA LANG DAW AKO! kasi malapit lang sa bahay. makikita nya pa ako palagi. close kasi ako dun. nasanay na yung araw-araw ako nakikita kasi simula ng bata pa ako, dun na ako sa kanya nakatira. (yung bahay namin, nina mama at papa, malapit lang din sa bahay ng lola ko.2bahay lang ang pagitan. nandun ako sa lola ko kasi ako nagaalaga dun pero umuuwi-uwi ako kina mama. lapit2 lang. palipat2 lang ako. haha. simula 5 y/o dun na ako madalas sa bahay ng lola ko. kaya close kami ni lola. i loove her soo much. eh paborito ako nun. sabi nga nung tita ko mas mahal pa nga daw siguro ako ni lola kaysa sa kanila na mga anak nya. haha. touch naman tayo jan).

Back to the story: Sabi ni lola, she'll help me kung magAADNU ako pero kung UP, bahala daw ako sa buhay ko. kaya yun di ko na lang binibring up yung UP thingy kasi nasasaktan lang ako evrytym na sinasabi nya yun. very sensitive kasi ako. yun nga. Tapos si mama ko naman, no comment lang kasi di nya naman akong kayang pag-aralin ng mag-isa. Ang sabi nya na lang sakin, tutuylungan nya daw ako. She'll find a way. Ang konti ng chance na tumuloy ako sa UP! hai.

Nagaaway2 na din sila, sina tita at lola. Nakokonsensya nga ako kasi sumasama yung loob ng lola ko. Pinagdidiinan kasi ng tita ko na sayang daw ang opportunity. Ang dami2ng estudyanteng gaya ko na gustong gusto makapasok sa Up tapos ako, padadaanin ko lang yung chance na binigay sakin.

Nung una pinaglaban ko talaga. Kahit na si mama lang sumusuporta sakin at wala pang kasiguraduhan na dun nga ako papasok, inasikaso ko na agad yung forms, STFAP atbp. Suddenly, naisip ko lang na kung andito sana si papa, wala na akong problema, kaya ko na. Proud yun at gagawin nun ang lahat mapagaral lang ako dun. namimiss ko na tuloy sya. hai.

medjo PERA yung pinoproblema at si LOLA ko. nung una, pinaglalaban ko. Pinanghinaan ako ng loob kasi ayokong magalit yung lola ko. malulungkot kasi yun kapag umalis ako tapos magkakasakit pa yun. Konsensya ko yun. Di ko yun kaya no! Sinabi kong ateneo na nga lang para matapos na yung kajengotan ng mga tao! kahit napipilitan lang ako.

Jinokejoke lang talaga namin ng mga classmates ko yung exam sa DOST! parang trip2 lang. bonding moment. Sabi namin, di naman namin yun kukunin kasi nga sa PINAS magtatrabaho tapos ang tingin ng mga tao dun samin, teaching yung babagsakan. kaya yun. wala lang, trip lang tlaga.

unexpectedly, nakapasa ako. ayun medjo nagsecond thoughts ako. Dapat lang naman talagang magwork sa country. service. Pagkatapos mong gamit2in ang resources ng bansa, wala lang, di naman yun pde. nagconsult din naman ako sa mga tao tungol dun sa teaching ang mgiging profession. di naman yun totoo. Eh di yun nga. Kinuha ko na.
At dahil jan, andito na ako sa UP!

Hanggang ngayon nga, di pa rin ako makamove on sa thought na nakayanan ko lahat ng pagsubok na dumaan. may mga oras na malakas yung loob ko, may mga oras na sumuko na lang ako. Maraming tao ang pinakinggan ko, iba't ibang opinyon ang pinagisipan ko. Tiningnan ko lahat ng anggulo at ang mga maaaring maging result ng gagawin ko, mga taong maapektuhan, kakayahan at kagustuhan ko, at kung ano ang maganda para sa lahat.

kaya ngayon, gusto ko lang mgpasalamat sa mga KAIBIGAN kong tumulong sakin, nagadvice, pumilit, kumulit na wag kong palampasin ang chance.

sa mga taong nagsabing sa ateneo na lang ako, mga kaibigang nangonsensya na kung aalis ako, iiwanan ko lang daw sila. drama nyo lang ha. lalayo lang ako pero tayo pa rin to mga pare. ittry kong walang magbago. pero kung hindi mapipigilan, ittry ko pa ring magreach out. Siguro may mga bagay na magbabago pero ang memories natin, anjan pa rin yan. no worries. Things change for a reason. change lang ang constant thing on earth mga pare. let's be open with that changes ok?

sa FAMILY na sumuporta sakin all through out!naghanap ng alternatives at ginawa ang lahat para lang wag masayang ang pagkakataon. mama, tita, brothr, at syempre ang lola ko, SALAMAT! (nga pala. tanggap nya na yung pagalis ko. syempre di ako matitiis nun. love ako nun eh!)

SA MGA KABATCH KO AT SA SAYHAY FAMILY. sa pagturo nyo ng maraming bagay sakin. sa pagturo saking magweight ng mga decisions at sa loove and care. Sa mga lessons na sobrang helpful sa math17! hehe. salamat po!

SA MGA ZEPHY NA NAKAPASA DIN SA UP.pare, nagstick tayo together. kaya natin to. lots of adventures waiting for us here. Salamat sa stress na pinagdaanan natin. at least sama2 tayo. namroblema sa mga forms, sa STFAP, atbp. Sa pagsama2 nating paglilibot ng mga simbahan para matupad yung wish nating makapasa dito. (oi di ba nagpromise tayo na babalikan natin yung mga churches. ako nabalikan ko na lahat!well. o kayo?)tnx guys!

At syempre, hinding hindi ko makakalimutan yung pinakaimportante sa lahat! Dahil kung wala Sya, wala kayo ngayon, kayong mga taong tumulong sakin para maging maayos and logical yung decisions ko at mabigyan ako ng satisfaction na tama nga ang ginawa ko.

kaya salamat po ng marami kay GOD! He's up there watching my every move. helping me do things. Basta nagpapasalamat ako sa Kanya kasi kahit ano yung mga pinagdaanan ko, anjan pa rin Sya. Never nya akong pinabayaan. Ginuide Nya ako. Basta naniniwala ako na may plano Sya para sa atin, sa akin, kaya andito ako ngayon. I'll let HIM use me as an instrument para magawa ko kung ano man yung mga bagay na gusto Nyang gawin ko dba?

Thank you po kasi you made this all possible. I'm loving everything. Basta ito lang talaga masasabi ko sainyo. Do your best and trust yourself. Trust GOD and He will do the rest!

Alam kong kasama na ni Lord si Papa. Sayang nga lang Pa kasi wala ka na dito sa tabi ko. Di na kita nakasamang pumunta dito. haai. nalulungkot ako kasi mahal na mahal na mahal kita kaya lang di na kita magawang mayakap at mahalikan. hai. alam mo na naman yun.

Panoorin mo na lang ako jan sa taas at bantayan mo ako papa ha? Indeed ur little girl is now growing up (yan yung last words na narinig ko sa kanya eh. i'm badly missing him pa rin. XC). kung hindi ka naman siguro nawala, di pa rin siguro ako ggrow up. di pa rin magiging independent at evrything. That's the bryt syd!

Hm. Enjoy the show. SALAMAT PO ULIT SA LAHAT!



IT'S NOT ANYMORE A DREAM. IT'S the REALITY!

I'll do my best here. Keep my hopes high. Support pa din. I'll make it!

NEXT STOP: GRADUATION! haha. kaya yan. XD

3:23 AM |